Putin did NOT order Alexei Navalny's death, US intelligence believes

Ang Estados Unidos, opisyal na Estados Unidos ng Amerika, dinadaglat na EU/EUA, at karaniwang tinatawag na Amerika, ay bansang transkontinental na pangunahing matatagpuan sa Hilagang Amerika. Hinahangganan ang 48 estado at distritong pederal nito ng Kanada sa hilaga at Mehiko sa timog. Makikita ang Alaska sa sukdulang hilagan…
Ang Estados Unidos, opisyal na Estados Unidos ng Amerika, dinadaglat na EU/EUA, at karaniwang tinatawag na Amerika, ay bansang transkontinental na pangunahing matatagpuan sa Hilagang Amerika. Hinahangganan ang 48 estado at distritong pederal nito ng Kanada sa hilaga at Mehiko sa timog. Makikita ang Alaska sa sukdulang hilagang-kanluran ng Hilagang Amerika na katabi ng Kanada sa silangan at nahihiwalay sa Rusya sa kanluran sa Kipot ng Bering; ang Hawai ay isang kapuluang Polinesyo na nasasagitna sa Karagatang Pasipiko at ang tanging estado na wala sa Kaamerikahan. Nagbabahagi ang bansa ng mga limitasyong maritimo sa Bahamas, Kuba, Rusya, Reyno Unido, Republikang Dominikano, Kapuluang Cook, Samoa, at Niue. Sumasaklaw ng mahigit 9,833,520 kilometrong kuwadrado at mayroong higit 331 milyong naninirahan, ito ang ikaapat na pinamalaking bansa ayon sa panlupaing lawak, ikalima ayon sa magkaratig na lawak, at ikatlo ayon sa kabuuang lawak at populasyon. Itinatagurian na panlusaw na palayok ng mga kalinangan at etnisidad, hinubog ang populasyon nito ng ilang siglo ng imigrasyon. Mayroon itong lubos na dibersong klima at heograpiya, at kinikilala bilang isa sa 17 ekolohikal na bansang megadiberso. Ang kabiserang pambansa nito ay Washington, D.C. habang ang pinakamalaking lungsod at sentrong pampananalapi nito'y Lungsod ng Bagong York.
  • Kabisera: Washington, D.C.
  • Pinakamalaking lungsod: Lungsod ng Bagong York
  • Wikang opisyal at pambansa: Ingles (de facto)
  • Katawagan: Amerikano · Estadounidense
  • Pamahalaan: Pampanguluhang republikang pederal
  • Lehislatura: Congress
  • KDP (PLP): Pagtataya sa 2022
Data mula sa: tl.wikipedia.org